BORACAY ISLAND - Dinepensahan ng Philippine National Police (PNP) ang mistulang paghihigpit ng seguridad sa Boracay Island sa Malay, Aklan, simula nang buksang muli sa publiko ang isla nitong Biyernes.

Katwiran ni PNP spokesman, Senior Supt. Benigno Durana, inaasahan na nila ang pagdami ng kaso ng kriminalidad sa lugar dahil sa inaasahang dagsa pa ng mga turista.

Inilabas ni Durana ang nasabing reaksiyon kasunod ng mga natanggap na batikos mula sa social media kung saan kinukuwestiyon ang presensiya ng mga armadong pulis sa front beach ng isla.

Aniya, standard operating procedure (SOP) na umano ito, hindi lang sa Boracay kundi sa lahat tourist destination sa bansa para na rin sa seguridad ng mga banyagang bumibisita sa isla.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sa ngayon, aniya, ay tinatayang aabot sa 400 na pulis ang ipinakalat sa isla.

-JUN N. AGUIRRE