Ipinagharap ng kasong kriminal sa Sandiganbayan si dating Iloilo 5th District Rep. Rolex Suplico kaugnay ng umano’y pagkakadawit nito sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam, noong 2007.

Kasong paglabag sa Section 3(e) ng Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) ang isinampa sa anti-graft court laban kay Suplico at sa director general ng Technology and Livelihood Resource Center (TLRC) na si Antonio Ortiz at kay Aaron Foundation Philipines Inc. President Alfredo Ronquillo.

Sa complaint affidavit na iniharap ni Assistant Special Prosecutor III Jorge Espinal, ng Office of the Ombudsman, sinabi niyang nagsabwatan ang tatlo para sa pagpapatupad ng livelihood at development projects sa nasabing distrito, na pinondohan umano ng P15 milyon mula sa PDAF ni Suplico, mula Pebrero hanggang Mayo noong 2007.

Sa record ng kaso, ibinigay sa nasabing non-government organization (NGO), na pinamumunuan ni Ronquillo, ang nabanggit na pondo sa kabila ng ilang rregularidad ng pag-a-award ng kontrata, noong Mayo 4 ng nasabing taon.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Natuklasang hindi kuwalipikado ang NGO na humawak ng proyekto dahil sa kawalan nito ng business permit, bukod pa sa kaduda-duda umano ito.

Tinanggap din, aniya, ng implementing agency na TLRC ang naturang NGO kasabay ng pagpapalabas ng pondo alinsunod sa pag-eendorso nina Suplico at Ortiz.

Labag din, aniya, ito sa Republic Act 9184 (Government Procurement Reform Act) dahil hindi ito dumaan sa public bidding.

-Czarina Nicole O. Ong