NAGLULUKSA ang local tennis community sa pagpanaw ni Filipino tennis great John “Johnny” Jose Jr. sa edad na 81 nitong Martes bunsod ng matagal ng karamdaman sa St. Luke Hospital sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Isa sa pinakapipitagang pangalan sa tennis, si Jose ay Asian Games gold medalist at pamosong coach ng women’s national team. Naitala ni Jose ang kasaysayan bilang huling Pinoy na nagwagi ng gintong medalya sa Asiad noong 1962 sa Jakarta, Indonesia.

Ilang ulit din siyang naging miyembro ng Davis Cup team kasama ang tulad ddin niyang alamat na sina Felicisimo Ampon at Deyro Brothers.

Naging semifinalist siya sa Wimbledon juniors, at nagwagi ng bronze sa Asian Games noong 1958. Iniluklok siya sa De La Salle University Hall of Fame at nitong 2013 ay tumanggap ng pagkilala mula sa International Tennis Federation Commitment Award.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Naulila ni Jose ang maybahay na si Ollie, 77, at limang anak na sina Ina, Juanchit, Annalisa, Fatima, at Magnolia Hotshots assistant coach Mon.