BALIK boxing si one-time world title challenger Jonas Sultan laban sa mapanganib na si WBC Asian Boxing Council Continental flyweight champion Ardin Diale sa Pinoy Pride 45 card sa Nobyembre 24 sa IEC Convention Center, Barangay Mabolo, Cebu City.

Huling lumaban si Sultan nang matalo sa 12-round unanimous decision kay IBF super flyweight titlist Jerwin Ancajas sa unang all-Filipino world title bout pagkaraan ng halos 90 taon noong nakaraang Mayo 26 sa Save Mart Arena, Fresno, California sa United States.

Dating OPBF flyweight champion si Diale na minsang hinamon at natalo kay ex-WBO flyweight titlist Julio Cesar Miranda noong Pebrero 26, 2011 sa Queretaro, Mexico.

May marka ang beteranong si Diale na 34-12-4 na may 16 pagwawagi sa knockouts kumpara kay Sultan na may 14 panalo, 4 na talo na may 5 pagwawagi lamang sa knockouts.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

-Gilbert Espeña