SAYANG at wala si Angel Locsin sa launching ng NCSM o Neri Colmenares for Senator Movement, na ginanap sa Quezon City Sports Club nitong Huwebes nang gabi. Kilala kasi si Angel bilang number one supporter ng pamangkin niya na dating party-list representative.

Angel at Neil copy

Yes, pamangkin ni Angel si Bayan Muna Chairman Neri Colmenares, na nagpahayag na kakandidato para senador sa 2019. Ang Daddy Angelo ng aktres at lolo ni Neri ay magpinsang buo.

Sana natanong namin siya sa tsikang kumalat na hiwalay na sila ng boyfriend niyang film producer/businessman na si Neil Arce.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Bagamat nag-post na si Neil sa Instagram account niya noon na magkasama sila ni Angel, hindi pa rin nawawala ang usap-usapang hiwalay na sila.

Sa kasalukuyan, wala sa bansa ang aktres at balitang nasa Europe para magbakasyon. Hindi lang malinaw kung kasama niya si Neil, na ayon sa kuwento ng taga-Viva ay “out of the country” rin daw.

Hmm, posible kayang magkasama sina Angel at Neil? Abangan ang susunod na kabanata.

Going back to Neri Colmenares, independent candidate siya at ang pinakaplataporma raw niya ay complete na pagbasura sa excise tax.

“Walang suspend-suspend, totally tanggalin,” sabi ng pamangkin ni Angel.

“Ang TRAIN L:aw ay doon kinukuha ang bill-bill ng Presidente. Ilang presidente na ba ang nagbill-bill, hindi naman umangat ang buhay natin, eh.

“Pangalawa, kung ang kaya mong bilhin ay owner (-type jeep), huwag mag-ambisyong bumili ng BMW. Bumili ka ng Vios. Ngayon kung gusto mo ng BMW, ikaw ang magbayad, hindi ang taumbayan.

“Mali ang TRAIN. Feeling ko ma-approve kasi galit ang taumbayan at dapat ma-pressure ang gobyerno na bawiin na ‘yun. Mamamatay tayo ‘pag itinuloy nila ang TRAIN.”

Marami na rin kaming nakausap na mga kilalang artista, na pawang malalaki ang kinikita, pero apektado rin sila sa TRAIN Law. Eh, paano pa kaya ang minimum wage earners?

-REGGEE BONOAN