MAPAPANOOD na si Carlo Aquino sa Playhouse ngayong linggo bilang third wheel kina Angelica Panganiban (Patty) at Zanjoe Marudo (Marlon). Kasama rin si Isabelle Daza na may mahalagang papel din sa kuwento.

Zanjoe copy

Sa ginanap na blogcon ng Playhouse ay natanong si Angelica kung anong pakiramdam na papasok si Carlo sa show.

“Nakaka-excite, excited ako para sa mga tao kasi nae-excite sila sa pagpasok at kung ano ang purpose ni Carlo sa kuwento sa karakter ko at kung paano siya makakaapekto sa relationship nina Patty, Marlon at ni Robin. Exciting kasi kung mas hahaba pa ang kuwento at mas matagal pa kaming magsasama-sama kasi marami pang mangyayari,” kuwento ng aktres.

Plot twist? Bianca kinilig na sana, pero hindi pinili ni Dustin bilang duo

Ano naman ang masasabi ni Zanjoe na papasok ang aktor at hindi ba ito threat sa kanya dahil malakas ang tambalang Cargel, lalo’t palabas pa rin ngayon ang pelikulang Exes Baggage?.

Ang magandang sagot ni Z, “Sa umpisa pa lang, hindi pa kami nagte-taping alam na naming papasok ang karakter ni Carlo, so, wala namang isyu do’n. Siyempre may tiwala ako sa kumpanya o sa management kung ano ang mas magpapaganda sa show at kung makakatulong sa show. Kami naman ay ginagawa lang ang trabaho namin kaya wala namang isyu o pressure na mangyayari. Mas nakakatuwa at mas nakaka-challenge para sa akin bilang karakter ni Marlon kasi si Carlo ‘yung magiging karibal niya kay Patty.”

Isang buwan na ang Playhouse nitong Setyembre 17 at maganda ang feedback at ratings nito base sa Kantar Media.

Kung sakaling mas tumaas pa ang ratings nito, e, doon na siguro mag-iisip ang GMO unit kung ma-eextend ang karakter ni Carlo bilang third wheel kina Patty at Marlon.

Kasama rin sa blogcon sina Kisses Delavin, Donny Pangilinan at AC Bonifacio, na kaabang-abang din ang roles sa Playhouse.

-REGGEE BONOAN