MESTIZO, guwapo, malumanay magsalita at mabait ang tatay ni Kyline Alcantara, tulad ng description ni Katotong Glenn Regondola na aminadong may crush sa kanya.

Kyline copy

Nakausap namin nitong nakaraang Lunes sa launching kay Kyline as endorser ng SimplyG beauty products si Mr. Butch Manga at nalamang, tulad ni Nora Aunor, apelyido rin ng inang si Mrs. Rowena “Weng” Manga ang ginamit sa screen name ng anak nila.

Tubong Ligao City, Albay si Butch at taga-Ocampo, Camarines Sur naman si Weng kaya purong Bicolana si Kyline.Three years old pa lang, napansin na nilang kinakausap ng kanilang bunso ang sarili sa salamin, umaakting-akting, at mahilig magbihis.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Pabirong sabi ko kay Weng, ‘Garo nagkaaki kitang bua (Parang nagkaanak yata tayo ng baliw),” kuwento ni Butch.

Nagkahiwalay silang mag-asawa at napanood niya ang sinabi ni Kyline nang sumali ito sa Star Circle Kids search ng ABS-CBN.

“Dream daw niyang gustong matupad na mabuo uli ang pamilya namin,” kuwento pa ni Butch.

Bago pa man naabot ang pinapangarap na kasikatan, mas nauna nang natupad ang pangarap ni Kyline sa pamilya.

Nagkabalikan silang mag-asawa noong panahong wala nang appearance sa showbiz si Kyline.

Si Butch ang nagplano at nagdesisyon na ilipat sa GMA-7 ang kanilang anak.

“Kasi reality na hindi naman siya talaga ang aalagaan, mas nasa bida siyempre ang concentration ng network, kontrabida lang naman talaga siya sa Annaliza.”

Kontrabida rin ang naging role ni Kyline sa Kambal Karibal, unang project nang lumipat sa GMA-7, pero agad na napansin ang kahusayan niya.

Umaani ng acting awards ang performance niya sa Kambal Karibal at sa napakainit na pagtanggap ng mga tagahanga, may mga nagsasabi nang siya ang susunod na superstar ng Siyete.

Nainterbyu rin namin si Kyline, na kabibili lang ng bagong bahay para sa kanilang pamilya.Abangan ang interbyu namin sa susunod na superstar.

-DINDO M. BALARES