SA unang pagkakataon, napabilang na ang Pilipinas sa 86 na bansa sa listahan ng mga nominadong pelikula para sa Best Foreign Language Film sa 2019 Oscars, sa pamamagitan ng Signal Rock ni Chito S. Roño, na napanood kamakailan sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2018.

ChristianSa tagal na palang nagpapadala ang Pilipinas, simula 1953, sa Academy Awards, ni isa ay wala pang na-nominate kaya naman hindi maibsan ang kasiyahang nararamdaman ng buong cast ng Signal Rock, sa pangunguna ni Christian Bables, bilang ang bidang si Intoy.

Naalala namin ang sinabi ni Direk Chito na sobra siyang na-stress sa Signal Rock kasi isinumite ito sa Academy of Motion Picture Arts and Sciences bilang entry nga ng Piliinas. Paano raw kung hindi mapili? Una na pala siyang sumubok sa Oscars nang isumite ang pelikula niyang Dekada 90 noong 2003, pero hindi ito pinalad.

E, paano ngayon ‘yan, Direk Chito, official entry na ng Pilipinas ang Signal Rock sa 2019 Oscars?

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Matunog ang pangalan ng mahuhusay ding mga direktor na sina Brillante Mendoza, Mikhail Red, Lav Diaz, Adolfo Alix, Jr. at ang namayapang Gil Portes na pawang sumubok sumali, pero ni minsan ay hindi sila napasama sa mga nominado.

Kaya naman humihingi ng suporta si Intoy sa mga kababayang Pinoy na sana ay i-share sa kani-kanilang social media accounts ang Signal Rock para umingay nang husto ang pelikula.

Signal Rock is happy to be Philippines’ representative to Oscars 2019. Pilipinas, we need your help and support. Please help us make noise at lumaban sa 86 pang mga bansa. In God’s will, this might be our Country’s first Oscars nomination. #SignalRockForOscars2019,” post ni Christian.

-REGGEE BONOAN