MALAKAS na sinimulan ni Alfred Miranda Jr. ang kanyang kampanya para maiuwi ang korona sa elementary boys category habang tinalo naman ni Denzel Villanueva ang lahat niyang nakatungali para maibulsa ang titulo sa elementary girls division sa katatapos na Congressional Meet 2018, Elementary boys’ at girls chess championships.

Naganap ang nasabing chess matches mula Oktubre 17 hanggang 19, 2018 sa Paniqui South Central Elementary School sa Paniqui, Tarlac.

Ang 12-years-old na si Miranda mula Barangay Estacion, Paniqui, Tarlac at grade six pupil ng Ysidra Cojuangco Elementary School ay nag poste ng malaking panalo kontra kay Jabes Menor ng Munisipalidad ng Ramos, Tarlac sa seventh at final round para tumapos ng 6.5 puntos,angat ng isang puntos kay second placer Menard Dancel (5.5 puntos) ng Mayantoc, Tarlac at lamang naman ng 1.5 puntos kay third placer Adan Simon Shane (5 puntos) ng Moncada, Tarlac.

Habang sa panig naman ni Villanueva,12, grade six student naman ng Balaoang Elementary School sa Paniqui, Tarlac ay namayani kontra kay Maraya Gaogen mula Munisipalidad ng Pura sa final canto para makapagtala ng perfect na pitong puntos.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ayon kay Ms. Elizabeth Ramirez, coach ni Alfred Jr., ang nagkampeon sa elementary boys category na sina Mr. Pedrito Marquez at Mr. Michael Ramos ang nagsilbing tournament arbiters sa three-day chess tournament na nilahukan ng mga mag-aaral na nagmula pa sa Mayantok, Tarlac , Moncada, Tarlac, Camiling, Tarlac , Anao, Tarlac , Ramos, Tarlac, Sta. Ignacia , Tarlac , Pura, Tarlac , San Manuel, Tarlac at host Paniqui, Tarlac.