Tatlong senador ang nanimbang sa pagtalaga kay retired Philippine Army chief Lieutenant General Rolando Bautista bilang susunod na kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Inamin ni Senate President Vicente Sotto III na curious siya kung paano magsisilbi si Bautista bilang DSWD chief. Hihilera na si Bautista, nagretiro nitong Oktubre 15, sa hanay ng mga dating militar na naging miyembro ng Gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“It would be interesting to see how a soldier will perform as DSWD secretary,” saad sa text message ni Sotto, namumuno sa Commission on Appointments.

Pinanindigan naman ni Senator Panfilo Lacson ang pagsusuporta sa desisyon ng Pangulo na hirangin ang isang retiradong heneral para pamunuan ang DSWD.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

“Setting aside my natural bias, I have every reason to support PRRD’s assertion that our military training always puts obedience ahead of complaining. We are mission oriented hence the overall objectives comes first and foremost,” ani Lacson, dating police chief.

Samantala, sinabi ni Sen. Risa Hontiveros na kahit mabuting sundalo at pinuno si Bautista, nababahala siya na ang pagtalaga dito sa DSWD ay magbubunga ng “militarization” sa mga serbisyo ng ahensiya.

“I believe the President has other civilian colleagues who have something to offer, and I hope he considers them,” ani Hontiveros sa press briefing sa Senado kahapon, idinagdag na ang sektor ng sibilyan “should not be neglected.”

Ayon kay Hontiveros, babanggitin niya ito sa CA, kapag tinalakay na nila ang appointment ng retiradong heneral.

Nitong Miyerkules, Oktubre 17, inilabas ng Palasyo ang appointment paper ni Bautista.

-Vanne Elaine P. Terrazola