Pinagmulta ang isang konsehal, na siyang co-author ng helmet ordinance, sa pag-angkas sa motorsiklo nang hindi naka-helmet.

Si Councilor Gerardo “Jack” Santiago ay isa sa mga nag-apruba ng Municipal Ordinance No. 2004-13, na nag-aatas sa mga nagmamaneho o umaangkas sa motorsiklo na magsout ng helmet sa tuwing bibiyahe.

Kamakailan lamang ay kumalat sa social media ang larawan ni Santiago kung saan makikita na wala siyang suot na helmet habang nakaangkas sa motorsiklo.

Dahil dito, pinagmulta ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang  konsehal ng P500 at sinermunan.

National

Marce, lalo pang lumakas; Signal #1, itinaas sa 14 lugar sa Luzon

Humingi naman ng paumanhin si Santiago at sinabing pupunta siya sa ospital at may dadalawin nang makunan ng litrato.

-ORLY L. BARCALA