WALA nang makakapigil sa journey ni Kyline Alcantara papunta sa stardom. Pinatunayan ng pagkilala sa kanya sa katatapos na PMPC Star Awards for TV na hindi lang siya star, actress din siya.

Kyline

Huwag isnabin dahil si Ms. Lorna Tolentino (Asintado) lang naman ang ka-tie ni Kyline (Kambal Karibal) bilang Best Drama Supporting Actress. Kinikilala si Lorna bilang isa sa pinakamahuhusay na aktres sa industriya.

Naririto ang kanyang pasasalamat sa unang acting award na igunawad sa kanya:

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Magandang gabi po sa inyong lahat. Una sa lahat gusto ko pong pasalamatan ang Panginoon for this — my first ever acting award. Pangalawa po, ang buong pamunuan ng PMPC for giving me this award. Last year, never in my wildest dreams na naisip ko po na mananalo ako ng ganitong award. Pangatlo, sa GMA Network po for giving me the chance to act again at sa tiwala na binigay sa akin po.

“Maraming-maraming salamat po sa opportunity na ibinigay n’yo po sa akin, gusto ko din po pasalamatan ang aking support team, my family sa walang hanggang suporta, kina Tito Manny, Tito Lhar, Tito Lito and Tito Glenn, sa aking GMA Artist Center family, Ms. Gigi and Boss Vic, Ate Molly. Siyempre sa aking mga Sunflowers , kung wala sila wala din po ako dito. Mahal na mahal ko kayong lahat.

“At huli po, gusto ko din pong kuhain ang pagkakataon na ito para pasalamat ang lahat ng bumubuo ng Kambal Karibal (KK). Sobrang laki ng pasasalamat ko po sa KK dahil kung ano man po ang meron po ako ngayon malaking bahagi po noon ay dahil sa break na ibinigay sa akin ng Kambal Karibal kaya naman gusto ko po ibahagi ang award na ito sa mga kasama ko po sa KK. Sa direktor po namin, DMP; our second unit director, Direk Jorron. our PM, Ms Camille. Our EP, Ms. Joy. Sa PA’s, the creative team, writers, staff, crew, utility, sa whole production team po namin. At siyempre sa mga co-artists ko po, sa atin pong lahat itong award na ito. Back to back with the one and only, Ms. Lorna Tolentino.”

Katatapos din lang ng successful na Kyline Take Flight concert na ang ilang bahagi ng kinita ay personal niyang ibinigay sa GMA Kapuso Foundation (GMAKF) nitong Lunes, kinaumagahan pagkatapos ng Star Awards night.Pinili niyang mapunta ang kanyang donation sa rehabilitation ng 28 schools sa Bicol, ang kanyang hometown.

“Gusto ko lang po sabihin sa mga Sunflowers ko na, tayong lahat, pera n’yo ‘to guys na naitutulong natin sa mga nangangailangan. Let’s do the right thing, everyone. Sana ito pong ginawa ko is maging impluwensiya po para sa mga kabataan na tumulong pa,” pahayag ni Kyline.

-DINDO M. BALARES