SEOUL (Reuters) - Naiuwi na kahapon sa kanilang bansa ang mga bangkay ng limang South Korean mountaineers na namatay habang inaakyat ang Himalayas, nang biglaang lumakas ang hangin.

Nasawi ang grupo ng siyam, kabilang ang apat na Nepali guides, nang bumagyo sa Himalayan peak ng Nepal nitong nakaraang linggo.

Ang Korean expedition ay pinangunahan ni Kim Chang-ho, na nagtala ng record noong 2013 bilang pinakamabilis na nakaakyat sa tuktok ng 14 na pinakamatataas na bundok sa mundo sa 26,250 feet nang hindi gumagamit ng supplemental oxygen.

Sumalubong ang mga umiiyak nilang kamag-anak sa Incheon airport.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Inaakyat ng grupo ang bagong ruta sa bahaging timog ng Mount Gurja, ayon sa Yonhap news agency. May taas itong 23,600 feet at matatagpuan may 216 km sa hilagang kanluran ng Kathmandu, ang kabisera ng Nepal.

Natagpuan ang kanilang mga bangkay noong Oktubre 5 malapit sa kanilang base camp may 11,500 feet above sea level.