Ni Brian Yalung

HITIK sa aksiyon at sopresa ang kasalukuyang Metro League, ngunit ang astig sa lahat ay ang pamamayagpag ng tinaguriang Tora-Tora ng liga na si Kristoffer Torrado ng Caloocan Supremos.

Sa taas na 5-foot-7, nangingibabaw ang laro at husay ni Torrado mula sa  Diliman University. Bukod sa kakayahang pumuntos, kagilis-gilis sa mata ng manonood ang kahusayan niya sa assists na nagdadala sa panalo ng Supremos.

Hindi nakapagtataka ang pangunguna ng 25-anyos sa assists tangan ang lima kada laro at averaged 3.4 rebounds.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sa scoring, matikas si Torrado sa averaged 10.4 points per game, na nakasiguro sa Supremos ng double-double performance mula sa maliksing point guard.

Sa tinatamong tagumpay, itinuro naman ni Torrado, pambato ng Alcala, Cagayan, si coach Rensy Bajar na siyang arkitekto ng koponan.

“Sabi lang po sa akin ni coach, look for the extra pass,” sambit ni Torrado. “Every na uma-attack ako, tignan ko daw lahat.”

“Nasanay na po kasi ako kay coach Rensy. Yung sistema po namin is puro drive and kick out. Kaya ayun po, ang sabi po niya sa akin, pagalingin ko din po mga kakampi ko,” aniya.