OPISYAL nang napili ang 24 candidates para maging “Queen of Quezon City”, sa patuloy na pagpapalaganap ng siyudad ng awareness tungkol sa lesbian, gay, bisexual, and transgender (LGBT).
Magpapapahusayan ang mga kandidatang taga-Quezon City na sina Erwina Tirambulo (Talayan Village), Redj Daria Espinosa (Barangay Tagumpay), Ehm-Jay Buena Tuazon (Bgy. Loyola Heights), Terresa Caranzo at Samantha Garcia (Bgy. Bagong Silangan), Louise Manalo (Bgy. San Roque, Cubao), Avah Torres Pineda (Bgy. Pag-ibig Sa Nayon), Angel Artita (Bgy. Bagbag, Novaliches), Shine Rodriguez at Jhade Ellorin Soberano (Bgy. Bagong Pag-asa).
Pasok din sina Naomi Fontanos (Bgy. UP Village), Denine Palacio (Bgy. Mariblo), Keith Legara (Bgy. Talipapa, Novaliches), Casey Banes Paculan (Bgy. Piñahan), Scarlet Alcaraz at Yanyan Idalia (Bgy. Commonwealth), Andrea Justine Aliman (Bgy. Sacred Heart), Nica Kate Sapinoso (Bgy. San Roque, Cubao), Jhonna Castro (Bgy. Holy Spirit), Maria General (Bgy. Nagkaisang Nayon), Summer Lariosa (Bgy. Dioquino Zobel), Rami Hannash (Bgy. Sta. Lucia, Novaliches), Ghen Antolin (Bgy. Sta. Monica, Novaliches), at Pamcee Vera Perez (Brgy. Gulod, Novaliches).
Ang mapipiling “Queen of Quezon City” ay tatanggap ng P300,000, habang ang tatanghaling “Lady Equality”, “Lady Respect”, at “Lady Pride” ay tatanggap naman ng tig-P100,000.
May pre-pageant ngayong Lunes, October 15, sa University Theatre, at ang grand coronation night ay sa November 10, sa University Theatre, Diliman, Quezon City.
Wala si Quezon City Mayor Herbert Bautista, na kinatawan ni Councilor Mayen Juico, sa presentation ng 24 candidates sa Novotel Hotel Manila in Araneta Center, Quezon City kamakailan.
-Nora V. Calderon