INIHAYAG ng ilang source sa may direktang kinalaman sa usapin ang pagdepensa ni WBA welterweight champion Manny Pacquiao sa Amerikanong si Adrian Broner sa Las Vegas, Nevada sa Enero 12, 2019.

Ayon sa isang source na tumangging pabangit ang pangalan, nilagdaan na ang kontrata para sa sagupaan nina Pacquiao at Bronner bago ang muling pagsasagupa ng eight-division world champion laban kay Floyd Mayweather, Jr. sa Mayo 2019.

“The Pacquiao-Broner title tiff will be co-promoted by MP Promotions and Floyd Mayweather Promotions,” ayon sa ulat ng Philboxing.com. “Pacquiao, according to the source, has decided to bed with Al Haymon, a Mayweather adviser for years who does a lot of business with Showtime. Pacquiao, who is eyeing at lest two more fights before finally heading into the sunset, has also received a lucrative offer from streaming giant DAZN.”

Huling lumaban sa US si Pacquiao noong Nobyembre 5, 2016 sa Las Vegas, Nevada nang maagaw niya ang WBO welterweight title sa pagpapabagsak sa 2nd round at pagtalo sa puntos sa Amerikano ring si Jessie Vargas.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Natalo si Pacquiao sa kontrobersiyal na 12-round unanimous decision kay Aussie Jeff Horn na muntik niyang mapatulog sa 9th round noong Hulyo 2, 2017 sa Suncorp Stadium sa Brisbane, Australia.

Noong Hulyo 15 sa Kuala Lumpur, Malaysia, pinabagsak ni Pacquiao si Argentinian Lucas Matthysse sa 3rd at 5th round bago napatigil sa 7th round para maagaw ang WBA welterweight title.

“Although trouble has a way of finding him outside the ring, Broner (38-3-1, 24 KOs), is no cakewalk for Pacquiao. The brash American who fancies himself as The Problem is only 29 years young and has a nearly three-inch advantage over the Filipino icon who will turn 40 this December,” dagdag ng source.

Tangan ni Pacquiao ang rekord na 60-7- 2 a may 39 pagwawagi sa knockouts.