Pumalo na sa 6.7 porsiyento ang inflation rate sa bansa nitong Setyembre, kinumpirma kahapon ng Philippine Statistics Authority (PSA).

“Inflation rate in September 2018 further accelerated to 6.7 percent from 6.4 percent in August 2018,” ayon sa PSA.

Gayunman, ang inflation rate ng nakalipas na buwan ay saklaw pa rin ng pagtaya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na 6.3-7.1%.Pinakamabilis ang naging pagtaas ng inflation nitong Setyembre, simula noong Pebrero 2009.

Kabilang sa mga nakapag-ambag ng paglobo ng inflation ang presyo ng pagkain at non-alcoholic beverages, pabahay, singil sa tubig at kuryente, petrolyo, transportasyon, at iba pa

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

-BETH CAMIA at CHINO LEYCO