Kinuwestiyon ng mga kongresista ang polisiya ng Department of Agriculture (DA) na umangkat ng mga sibuyas gayong may sapat na suplay naman nito.

Naungkat ang importasyon ng sibuyas nitong Martes sa deliberasyon sa plenaryo ng hinihinging P49.8 bilyon budget ng DA para sa 2019.

Nagtataka si Rep. Estrellita Suansing (1st District, Nueva Ecija) kung bakit nag-angkat na ang bansa ng pulang sibuyas”when we still have stocks with the onion farmers?”

Nais niyang malaman kay Deputy Speaker at Committee on Appropriations Vice Chairman Arthur Yap kung ano ang dapat maging stock level ng pulang sibuyas para mag-angkat. Si Yap ang nagtataguyod sa DA budget.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ipinaliwanag ni Yap na kapag tumaas ang presyo ng DA, kasabay ng pribadong sektor, iyon ang panahon na dapat umangkat ng mga sibuyas.

“The triggering factor for the importation of the onions will be the prices of the onions in the market,” ani Yap.

-Bert De Guzman