BAGONG liga, bagong pag-asa sa kabataang Pinoy na mahihilig sa basketball.

BAGONG LIGA! Inilunsad ang bagong basketball league nina QCBL Management Team (mula sa kaliwa) Oliver Bunyim, Head of Operations; BJ Manalo, Executive Director; Pong Rollan, Marketing Director; Peeya delos Reyes, Assistant for Operations; (nakatayo mula sa kaliwa) Sonia Mamadez, Admin Officer; Deng Gongora, Finance head; Froi Reyes, Admin Officer at Adrian Baladad, Asst. for External Affairs.

BAGONG LIGA! Inilunsad ang bagong basketball league nina QCBL Management Team (mula sa kaliwa) Oliver Bunyim, Head of Operations; BJ Manalo, Executive Director; Pong Rollan, Marketing Director; Peeya delos Reyes, Assistant for Operations; (nakatayo mula sa kaliwa) Sonia Mamadez, Admin Officer; Deng Gongora, Finance head; Froi Reyes, Admin Officer at Adrian Baladad, Asst. for External Affairs.

Tinaguriang Quezon City Basketball League (QCBL), target ng bagong liga na makatulong sa pagtuklas at pagdevelop ng talento ng mga batang players sa buong lungsod ng Quezon City.

Pangungunahan ni BJ Manalo, dating La Salle Green Archer at team manager ng Globalport team sa Philippine Basketball Association (PBA), ang pangangasiwa ng programa ng QCBL bilang executive director.

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

Ipinahayag ni Manalo, humawak sa sports management at program ng ilang malalaking unibersidad sa bansa, na positibo ang pagtanggap ng basketball stakeholders sa kanilang liga na magbubukas sa Nobyembre 10 sa JCR Gym ng FEU-NRMF sa Fairview.

Paglalabanan sa QCBL ang Corporate Cup Conference na binubuo ng tatlong dibisyon -- Open, Cadet at Starter.

“What makes this team league special is that our participating teams and our management team will jointly conduct free basketball clinics for kids in different barangays. We are getting them ready for the city-wide QCBL 3x3 and 5x5 tournaments. This also serves as our Corporate Social Responsibility,” pahayag ni Manalo.

Ang Open Division ay bukas para sa corporate teams na pinapayagang magbuo ng 20 players, kabilang ang isang import o foreign player sa line-up. Kailangang edad 18 pataas ang mga players at hindi miyembro o walang kontrata sa Philippine Basketball Association (PBA) o Asean Basketball League.

Para sa mga players na walang karanasan sa PBA o iba pang commercial at semi-pro league ang papayagan na maglaro sa Cadet Division. Puwede ring maglaro ang mga dating colleague players mula sa National Collegiate Athletics Association (NCAA) at Universities Athletic Association of the Philippines (UAAP) na huling naglaro noong 2010.

Hindi naman papayagan ang import at dating pro players sa Starter Division na may maximum 20 players.

Para sa mga nagnanais na makilahok, makipag-ugnayan kay coach Oliver Bunyi sa mobile no. 0917-5226385 o magpadala ng mensahe sa Quezon City Basketball League facebook page.