Ateneo de Manila matapos ungusan ang women's titleholder De La Salle, 3-2, nitong Huwebes sa pagbubukas ng UAAP Season 81 badminton tournament sa Rizal Memorial Badminton Hall.

Itinala ni Geva de Vera ang 16-21, 22-20, 21-13 panalo kontra kay Iyah Sevilla sa deciding singles upang ibigay sa Katipunan-based squad ang kanilang second straight win.

Pinangunahan naman ni national champion Sarah Joy Barredo ang 5-0, pagwalis ng National University sa University of Santo Tomas upang sumalo sa Lady Eagles sa pamumuno.

Naitala naman ng Adamson ang unang panalo matapos mablangka ang University of the East, 5-0.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Ang kabiguan ay nagbaba naman sa Tigresses at sa Lady Warriors sa ilalim sa barahang 0-2.

Sa kalalakihan, sinimulan ng NU Bulldogs ang kanilang 5-peat bid sa pamamagitan ng 4-1 paggapi sa Ateneo.

Pinangunahan nina Alvin Morada at Ross Lee Pedrosa ang Bulldogs sa pagpapalawig ng kanilang unbeaten run sa 36 ties.

Nakaiwas naman sa shutout ang Blue Eagles sa pamamagitan ng panalo ni Keoni Asuncion, 21-19, 21-18 kontra kay Thirdy Bacalso sa third singles.

Sa iba pang laro, tinalo ng De La Salle ang University of the East, 5-0 habang namayani ang Adamson University,3-2 , laban sa University of Santo Tomas.

Nasolo ng Green Shuttlers (2-0) ang pamumuno habang nagtabla ang Falcons at Eagles sa patas na barahang 1-1 at nanatili namang walang panalo ang Red Warriors at Tigers matapos ang dalawang laro.

-Marivic Awitan