Kusang sumama si Senador Antonio Trillanes IV sa mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na sumundo sa kanya sa Senado kahapon ilang oras makaraang mag-isyu ang Makati City Regional Trial Court (RTC) ng alias warrant of arrest at hold departure order (HDO) laban sa senador.

250918_TRILLANESBOOKING_PHOTORELEASE(1)

Matapos sumailalim sa booking procedure sa Makati Police ay personal nang naglagak ng P200,000 piyansa si Trillanes sa Makati RTC Branch 150.

Pasado 1:00 ng hapon kahapon nang umalis si Makati RTC Branch 150 Sheriff Joseph Edwin Carreon, kasama ang mga tauhan ng Makati City Police, sa ilalim ni Senior Supt. Rogelio Simon, upang isilbi kay Trillanes ang resolution order.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa dalawang-pahinang resolusyon na ipinalabas ni Makati RTC Branch 150 Judge Elmo Alameda, pinagbigyan ng hukuman ang hirit ng Department of Justice (DoJ) sa mosyon nito na mag-isyu ng warrant of arrest at HDO ang korte kaugnay ng kasong rebelyon ng senador.

Iniutos din ng korte kay Trillanes na personal itong maglagak ng P200,000 piyansa para sa pansamantalang paglaya.

Matatandaang inihain ng DoJ ang nasabing mosyon kasunod ng pagbawi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa amnestiya ni Trillanes, na naipagkaloob sa senador noong panahon ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino, taong 2010.

Nabatid na Setyembre 11 nang ibinasura ng Makati RTC 150 ang mga kasong rebelyon at kudeta laban kay Trillanes at sa iba pa nitong kasamahan sa Oakwood Mutiny at Manila Peninsula siege, dahil sa naturang amnesty grant sa senador.

S a m a n t a l a , magpapalabas ng consolidated resolution ang Davao City Prosecutor’s Office kaugnay ng apat na iba’t ibang kaso ng libel na isinampa nina dating Vice Mayor Paolo “Pulong” Duterte at Atty. Manases “Mans” Carpio laban kay Trillanes.

Ayon kay City Chief Prosecutor Atty. Nestor “Buts” Ledesma, pag-iisahin na lang ang nasabing mga kaso at reresolbahin ng City Prosecutor dahil halos pareho lang ang “parties involve” at ang respondent sa kaso.

May ulat ni Beth Camia

-BELLA GAMOTEA