Lumagda si Elton John ng deal sa Universal Music Group para sa kanyang back catalogue at bagong trabaho bilang brand management, merchandising at licensing rights, inihayag ng kumpanya nitong Biyernes.
Sa ilalim ng kasunduan na pinirmahan ni Elton sa kumpanyang Rocket Entertainment, irereprisinta ng Universal Music Group (UMG) ang bagong music ng veteran British singer “for the rest of his career”.
“The multi-faceted agreement marks the beginning of a new era of expanded collaboration between Elton John and UMG and significantly expands their global business partnership,” lahad ng kumpanya sa isang pahayag.
Saklaw ng kasunduan ang publishing rights “iconic song writing catalogue to be administrated by Universal Music Publishing Group long into the future” ni Elton.
Makikipagtrabaho naman ang brand-management company ng grupo na Bravado sa Rocket sa merchandising, branding at retail licensing around ng tatlong taong final world tour ng singer, ang Farewell Yellow Brick Road.
Walang financial detail ng deal ang isiniwalat.
Sinimulan ng 71 taong gulang na singer ang kayang tour sa United States ngayong buwan. Sinabi ni Elton, na may dalawang anak sa husband niyang si David Furnish, na nais niyang itigil na ang pag-tour upang bigyan ng panahon ang kanyang pamilya.
-Reuters