DEAR Inang Mahal,

Ako po ay singkuwenta anyos na pero sa hindi ko maintindihang dahilan, kahit ano ang gawin ko ay hindi ko magawang mag-impok ng pera. Nakabili naman ako ng ilang ari-arian, pero wala po akong naimpok na ekstrang pera, na pang-emergency. Meron akong mga kilala, na mas maliit ang kita kaysa akin pero nagagawa nilang makaipon ng pera. Ano po ba ang magandang paraan para ko ay makapag-subi ng pera?

Mandy

Dear Mandy,

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Tayo ay nag-iimpok upang may magamit tayong salapi sa panahon na maliit na o wala na tayong kinikitang pera. Ito ay magbibigay sa atin ng kapanatagan-ng-loob at mas maraming pagpipilian kung paano mabubuhay ng masagana at masaya.

Kumonsulta ka sa isang accountant o isang eksperto sa pananalapi. Ito ang pinakamahalagang-investment na magagawa mo para masigurong may naiipon kang pera para sa kinabukasan. Ilang porsiyento ba ng kinikita mo ang dapat mong i-subi? Anong mga gastusin ang pang-permanente at ano ang mga gastusin na puwede mong iwasan? May utang ka ba na dapat bayaran? Ano ang iyong mga pinagkakakitaan? Puwede bang mapalaki ang iyong kinikita? Maraming bagay ang dapat mong pag-aralan. At malaki ang maitutulong ng isang may-alam sa pananalapi para makapag-desisyon ka nang mas mainam.

Marami ring paraan para tayo ay makatipid. Sa halip na pumunta sa mga clubs, imbitahin mo na lamang ang mga kaibigan sa iyong tahanan. Kung ikaw ay umiinom o naninigarilyo, puwede mo itong tigilan. At kapag namimili ka ng kailangan sa bahay, puwedeng gumawa ka muna ng listahan, na siyang magiging guide mo sa pamimili. Kung talagang nanaisin mo, at sa tulong ng personal na disiplina sa paggastos, siguradong ikaw ay makapag-iimpok ng pera.

Nagmamahal,

Manay Gina

“Beware of little expenses; a small leak will sink a great ship.” ---Benjamin Franklin

Ipadala ang tanong sa [email protected]

-Gina de Venecia