SA Instagram post ni Ismael “Macky” Mathay ng litrato nila ni Sunshine Cruz nitong Sabado, September 15, mapapansin ang malaking singsing na nakasuot sa ring finger ng aktres, dahilan para tanungin ng kanilang followers kung sila ba’y engaged o ikakasal na?
Sa panayam ng PEP kay Sunshine, naitanong sa aktres ang tungkol sa suot-suot niyang singsing? Itinaon ni Macky ang kanyang IG post sa nalalapit nilang second anniversary ng aktres bilang magkarelasyon.
“It’s not an engagement ring po. Ha, ha, ha,” matipid na tugon ng aktres.
Sa Facebook, direkta ring sinagot ni Sunshine ng “No” ang isang kaibigang nagngangalang Tina Diaz na nagtanong ng “are u engaged?”
Sa mga nakaraang panayam kay Sunshine, nabanggit niyang hindi niya minamadali ang pagpapakasal kay Macky, lalo’t marami pa silang dapat ayusin.
“For now, chill-chill lang, ‘di ba? Let’s just cross the bridge when we get there,” sabi ni Sunshine. “We’re in a happy place. Sa edad naming ito, hindi naman dapat ginagawang kumplikado.
“I’m busy with my kids and my work. He understands and supports me and my children in a way. So I’m thankful that someone like him is there for me,” sabi pa ni Sunshine.
Hindi pa tapos ang annulment case ni Sunshine sa dating asawang si Cesar Montano, gayundin si Macky sa asawang si Camille Fariñas- Mathay.
-ADOR V. SALUTA