IBINIDA ni Coco Martin kung gaano niya na-appreciate working with Kapuso stars Vic Sotto and Maine Mendoza for their 2018 Metro Manila Film Fest entry na Jak Em Popoy: The Puliscredibles.

Coco

“Masaya. Honestly, natutuwa ako kasi sobrang sarap katrabaho nina Bossing [Vic] at Maine. Sabi nga nila sa Eat Bulaga, talagang pamilya,” kuwento ng Kapamilya Primetime King.

“Ganun sila magtrabaho. Nakakatuwa kasi winelcome nila ko,” sabi niya sa ginanap na pictorial para sa Jak Em Popoy.The Puliscredibles.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Nakakatuwa kasi parang dalawang kombinasyon: Ang Probinsyano family saka ang Eat Bulaga family. Nakakatuwa kasi wala kaming ginawa sa set kundi tumawa nang tumawa.

“Kapag action naman, talagang itinotodo namin. Siyempre kasi pelikula ito, kailangan malampasan natin ang ginagawa natin sa Ang Probinsyano.

Nabanggit rin lang ang seryeng FPJ’s Ang Probinsyano, may isyung tatapusin na raw ito after three years nitong pamamayagpag sa primetime programs?

“Honestly, ‘yun ang hindi ko po alam, eh. Kasi sabi ko hangga’t may kuwento, hangga’t gusto ng mga Pilipino, andiyan pa din po ang Ang Probinsyano. Matanda na si Cardo!” sabi niya, tinukoy ang kanyang role sa serye bilang si SPO1Cardo Dalisay.

Bilang director, writer, at pangunahing aktor sa Ang Probinsyano, Coco admits that they have been “hand-to-mouth” when it comes to the scenes to be aired on the Kapamilya Network.

“Lahat ng napapanood natin, lahat ‘yun ay na-shoot kinahapunan lang bago ang airing. Kaya ‘yung kaba namin, ‘yung nerbiyos na sana huwag umulan, sana walang maging aberya. And after that ‘pag napanood mo na, ‘yun ‘yung fulfilment sa aming lahat.”

Ano naman ang masasabi niya sa ilang netizen na nagsasabing dapat na raw ipahinga na ang kanyang serye?

“Ang malulungkot siguro ako kapag nababasa ko na ‘ano ba ‘yan paulit-ulit na lang ang kuwento, bakit hindi pa tapusin’. Siyempre ‘yun ang nakakalungkot,” pag-amin ni Coco.

Ang hindi alam ng nasabing netizens, ang patuloy na adbokasiya ni Coco na makatulong sa mga kapatid sa industriya na walang trabaho ang nagbibigay sa kanya ng lakas ng loob na ipagpatuloy pa ang kanyang layunin.

Halos ‘di na mabilang sa daliri ang mga kapwa aktor na natulungan ni Coco na makabangon kahit pansamantala lang, gaya nina Whitney Tyson, CJ Ramos, Mystica at ang latest ay ang Best Child performer sa pelikulang Seklusyon na si Rhed Bustamante, na humingi rin ng tulong sa aktor kamakailan lang sa pamamagitan ng Rated K ni Ms. Korina Sanchez-Roxas last Sunday.

“Siya ang makabagong Da King,” sey pa ng isang colleague na nagkukumpara sa aktor sa yumaong si Fernando Poe, Jr., na matatandaang walang katapusan ang pagtulong sa mga artistang nangangailangan.

-ADOR V. SALUTA