SA nakaraang History Con 2018 sa World Trade Center ay pinuri ni Senator Grace Poe-Llamanzares ang Battle of Manila exhibit presented by Philippine Veterans Bank.

“Sa mga war movies at historical books lang natin nalalaman ang mga kaganapan noong panahong sinakop tayo ng mga Hapones. Kapuri-puri ang hakbang na ginawa ng PVB para lumawak ang ating kaalaman tungkol sa mga pangyayari noong World War II,” pahayag ng senadora, na dating chairperson ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Pangunahing tampok sa exhibit ang replica ng Walls of Intramuros, na kakikitaan ng Sherman tank na lumusob at nagwasak sa bakod ng Fort Santiago seventy years ago. May panel din na nagsasalaysay sa Battle of Manila through pictures. Ang nasabing digmaan ay nangyari noong Pebrero 3-Marso 3, 1945.

Dumalo sa event sina Xian Lim at Diego Loyzaga, na naglaan ng oras to see the exhibit.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ito ang ikatlong pagkakataon na nakipag-collaborate ang PVB at History Chanel, para sa itinuturing na biggest entertainment convention sa bansa

-REMY UMEREZ