JAKARTA— Nakatuon ang pansin kay three-time Southeast Asian Games champion Kiyomi Watanabe sa kanyang pagsabak sa judo ng 18th Asian Games Huwebes ng gabi sa Jakarta Convention Center.

Nakakuha ng bye si Watanabe, 19th sa International Judo Federation rankings, at hihintayin ang makakalaban sa women’s -63 kg quarterfinals.

Sakaling manalo, malalagpasan ni Watanabe ang ikapitong puwestong pagtatapos sa 2014 Incheon Games.

Nitong Miyerkoles, nabigo si Shugen Nakano na makausad sa medal round . Nagwagi sya sa unang laban kontra Wei Fu Chong ng Malaysia via Ippon, ngunit natal okay Yeldos Zhumakanov ng Kazakshtan sa Round of 16 via Ippon. Tumapos siya sa ikasiyam na puwesto.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Mapapalaban naman si Asian Games first timer Megumi Kurayoshi, No. 165 sa world, kontra Po Sum Leung ng Hong Kong,ang world No. 30.

Sasabak naman si MariyaTakahashi, isa ring rookie, sa women’s -70 kgs, kontra Surattana Thongsri of Thailand.

Nagwagi si Takahashi ng gintong medalya sa Kuala Lumpur SEA Games sa nakalipas na taon kontra kay Thongsri. Sasabak naman si Keisei Nagano kay Eyal Salman Younis ng Jordan sa men’s -73 kgs preliminary.