Nababahala si opposition Senator Leila de Lima sa patuloy na pagtaas ng bilang ng human trafficking sa bansa sa kabila ng kampanya ng pamahalaan.

“Although the Philippines has retained its Tier 1 status in complying with the United States’ minimum standards for the elimination of human trafficking, records show that there are still tens of thousands of Filipino men, women and children who easily fall victim to human trafficking and slavery,” ani De Lima.

Aniya, kailangan din ang kooperasyon at koordinasyon mula sa ibang bansa upang tuluyan nang mapigilan ang human trafficking.

Sa ulat ng Global Slavery Index, Australia- Asia Program to Combat Trafficking in Persons, umabot na sa 784,000 Pilipino ang nasa kategorya ng modern slaves sa bansa, mula sa 260,000 nitong 2014 o pito sa bawat 1,000 Pinoy ang nasasadlak sa modernong pang-aalipin.

Tsika at Intriga

JC De Vera, na-offend sa 'biro' ni Alex Gonzaga

-Leonel M. Abasola