ALAS-SAIS ng umaga nitong Martes, umakyat ang presyo ng diesel sa P0.60 kada litro habang P0.10 ang itinaas ng gasolina kada litro. Ito ang pinakabagong salik na inaasahang makadaragdag sa walang humpay na pagtaas ng mga presyo ng bilihin sa mga lokal na pamilihan. Sa kadahilanang diesel ang ginagamit ng mga truck ng kargamento sa pagdadala ng mga produkto sa lungsod at mga pamilihang bayan mula sa mga sakahan o taniman sa bansa. Ito rin ang ginagamit ng mga truck sa pagdadala ng mga inaangkat na hilaw na materyales sa mga pabrika na gumagawa ng mga produkto.
Ang pagtaas sa presyo ng diesel pump ang nangunguna sa taripa na ipinataw ng TRAIN law sa diesel at iba pang gatong simula nitong Enero. Kasama ng ilan pang ibang salik — ang pandaigdigang pagtaas ng presyo ng langis, ang pagbaba ng halaga ng piso at ang manipulasyon ng mga pamilihan — ang taripa sa gatong ang isinisisi sa lahat ng pagtaas ng mga presyo sa mga nakalipas na buwan. Sa muling pagtaas ng presyo ng diesel, asahan nating lalo pang magtataas ang presyo ng mga bilihin.
Ang traffic gridlock sa maraming kalsada ng Metro Manila ay matagal nang problema ng mga motorista at mga lokal na opisyal. Sinuspinde ang naging plano kamakailan na pagbabawal sa EDSA ng mga sasakyang tanging drayber lamang ang nakasakay matapos dagsain ng mga reklamo, dahil nalilipat lamang umano sa ibang kalsada ang trapik na galing sa EDSA. Kamakailan, nanawagan ang isang kongresista sa mga alkalde ng Metro Manila na ikonsidera ang implementasyon ng apat na araw na pasok sa loob ng isang linggo. Maaari rin umanong ipag-utos ng Malacañang ang katulad na four-day work week sa mga ahensiya ng pamahalaan na nasa Metro Manila, sabi nito.
Pumapatak ang problema sa trapik ng Metro Manila sa katotohanang hindi na kinakaya ng mga kalsada nito ang bilang ng mga sasakyan na patuloy na tumataas ng daang libo kada taon. May ilang plano para sa pagtatayo ng matataas na kalsada, subway, at light railway, ngunit aabutin ito ng taon bago matapos.
Kayang palakasin ng Metro Rail Transit at Light Rail Transit ang kakayahan nito, ngunit tila hindi nito matugunan dahil sa mga panloob na problema. Kung may kakayahan lamang ang mga pampublikong sasakyan na ito na mapaglingkuran ang mas maraming pasahero na kinakailangan pumasok sa trabaho o eskuwelahan araw-araw, hindi na kakailanganin ang napakaraming sasakyan na ngayon ay nagsisiksikan sa mga kalsada ng lungsod. Maaaring makatulong ang panibagong pagtaas ng presyo ng diesel at iba pang uri ng gatong sa pagbawas ng trapik, ngunit hindi ito pangmatagalan. Sa pangangailangan muling magbabalik ang mga sasakyan sa syudad.
Higit sa lahat, kailangan natin tugunan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga gatong at gasolina mula sa fuel tax, dahil apektado rito ang buhay ng maraming tao, lalo na ang mahihirap. Sinasabing pinag-uusapan na ng mga tagapamahalang pang-ekonomiko ng bansa ang mga paraan kung paano mapipigilan ang inflation, na tinatayang ngayon ay nasa 5.7 porsiyento at pinangangambahang maaari pang umangat sa 6%. Umaasa tayong magtatagumpay sila bago natin abutin ang lalim na kinalubugan ng Venezuela sa South Amerika; kung saan naiulat na pumalo sa 40,000% ang inflation sa lugar sa nitong Hulyo.