MAGSISIMULA nang mapanood sa Lunes ang isa pang advocaserye ng GMA-7, ang My Special Tatay, na kuwentong buhay naman ng isang may mental disability.

Arra copy

Tulad ng papalitan nitong serye na Hindi Ko Kayang Iwan Ka na tungkol naman sa apektado ng HIV, marami ring matututuhan ang viewers sa My Special Tatay, lalo na ang mga may kaanak na mayroong mental disability.

Gaganap si Ken Chan bilang si Boyet, na kahit may mental disability ay haharap sa challenge ng pagiging ama. Sa teaser ng network, makukumbinse ang mga manonood na panoorin ang My Special Tatay at sundan ang journey ni Boyet.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Katambal uli ni Ken si Arra San Agustin, na una niyang nakapareha sa The Cure. Marami ang nagkagusto sa tambalan ng dalawa sa The Cure, kaya ibinalik ang tandem nila sa My Special Tatay.

“Ako si Carol dito sa My Special Tatay, childhood friend ni Boyet na laging nakasuporta sa kanya, lalo na nang magka-baby si Boyet,” kuwento ni Arra. “Challenging din sa akin ang role ko dahil mahirap intindihin ang kalagayan ni Boyet. Magaling si Ken as Boyet at siguradong magugustuhan ng viewers ang bagong teleserye.”Natutuwa si Arra to be working with Ken again, at si Direk LA Madridejos ang direktor nila. Si Direk LA rin ang nagdirehe sa Meant To Be, kung saan nag-guest si Arra.

Sa My Special Tatay ay full length na ang role ni Arra, mas mahaba ang exposure niya, kaya mas magtatagal ang pakikipagtrabaho niya kina Direk LA at Ken.

May mga pabor na gawing love team sina Ken at Arra, pero taken na yata ang aktres. Suportado naman daw ang aktres ng BF niya, kaya hindi ito kokontra kay Ken.

-Nitz Miralles