Higit pang lumakas ang tropical cyclone “Soulik” at naging bagyo na, at inaasahang patuloy na magpapalakas sa habagat, na nakaaapekto sa kanlurang bahagi ng Luzon.

Sa taya ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) bago magtanghali kahapon, ang sama ng panahon ay nasa 1,300 kilometro ng hilagang-silangang bahagi ng extreme Northern Luzon ang bagyo.

Hindi namang inaasahang papasok ito sa Philippine area of responsibility, at inaasahang tatahakin ang hilagang-kanlurang direksiyon.

Ayon sa PAGASA, patuloy na palalakasin ng Soulik ang habagat, na maaaring magdala ng manaka-naka hanggang sa malakas na ulan sa Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga, Mountain Province, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Babuyan islands at Batanes.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Magdadala rin ang habagat ng maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan sa Metro Manila, Central at Southern Luzon.

-Ellalyn De Vera-Ruiz