Kinatigan ng Korte Suprema ang petisyon ng 28 retiradong mahistrado ng Court of Appeals (CA) na mabayaran sila ng gobyerno sa kanilang back wages sa ilalim ng Salary Standardization Law (SSL).
Sa desisyon ng Supreme Court (SC), inatasan nito ang Department of Budget and Management (DBM) na mag–isyu ng Special Allotment Release Order o SARO para sa 28 retiradong CA Justices.
Aabot sa P23,25000 ang kabuuang retirement gratuity at differential sa ilalim ng Salary Standardization Law Package 2 noong 2007, at SSL–3 noong 2011, ang hinahabol ng Association of Retired Court of Appeals Justices sa pangunguna ni Justice Teodoro Regino.
-Beth Camia