‘Bridge’ Pinoy athlete, pinakamatanda sa edad na 85

JAKARTA – Hindi pa man nagsisimula ang laban, hawak na ng Team Philippines ang isang pambihirang marka sa 18th Asian Games dito.

Sa edad na 85, tinanghal na ‘oldest athlete’ na kalahok sa quadrennial Games si Kong Te Yang ng Team Philippines.

Kabilang si Yang sa delegasyon na lalaro sa sport na ‘bridge’, isang uri ng laro gamit ang baraha na inilunsad bilang bagong sports sa Asiad.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Dalawa pang atleta sa naturang sports ang may edad lagpas 80, ayon sa ulat ng Asian Games News – sina Lai Chun Ng ng Singapore (82) at Hung Fong Lee ng Malaysia (81).

Ang pinakamatandang atleta ng host Indonesia – ang 79-anyos na si Bambang Hartonois – ay lalaro rin sa bridge. Si Mambang -- tobacco, banking and telecommunications magnate – ang pinamayamang atleta sa Asiad na may yamang US$16.7 bilyon.

Sinimulang laruin ang ‘bridge’ sa 2011 Southeast Asian Games, kung saan nagwagi ang Pinoy ng dalawang ginto, habang humakot ang Indonesia ng apat na gintong medalya.