Arestado ang isang lalaki nang ipagyabang umano nito ang hawak na droga sa Navotas City, kamakalawa ng umaga.

Sa ulat kay Northern Police District (NPD) director, Police Chief Supt. Gregorio N. Lim, kinasuhan si Rommel Cabral, 31, taga-Sapang Bulao, Marikit Street, Barangay Tanza ng nasabing lungsod, ng paglabag sa Sec. 11 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Sa imbestigasyon, nakita si Cabral ng kanyang mga kapitbahay na nakatayo sa kalsada sa Marikit St., bandang 10:00 ng umaga.

Hawak umano nito ang isang pakete ng umano’y shabu at ipinagyayabang.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Isang concerned citizen ang tumawag sa Navotas Police at ini-report si Cabral.

Sa pagresponde ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa lugar, naabutan pa nila ang suspek na hawak ang ilegal na droga at pinosasan.

-Orly L. Barcala