Sinampahan ng kaso sa Sandiganbayan si dating San Remigio, Cebu Mayor Jay Olivar nang mabigo itong i-liquidate ang halos P600,000 na ginastos nito sa iba’t ibang programa ng kanyang bayan noong nasa puwesto pa, pitong taon na ang nakalilipas.

Kinasuhan si Olivar ng paglabag sa Article 218 ng Revised Penal Code (Failure to Render Accounts) sa 7th Division ng anti-graft court.

Nag-ugat ang kaso nang tumanggap umano si Olivar ng P585,000 bilang cash advance para sa mga pinagkagastusan nito, katulad ng pagsugpo sa ilegal na droga, Christmas celebration, Suroy-Suroy Sugbo at iba pang supplies.

Nitong Marso 20, 2012, nabigo si Olivar na magsumite sa Commission on Audti (CoA) ng papeles ng pinagkagastusan nito sa Suroy-Suroy Sugbo 2011 Celebration (P125,000); anti- Illegal drug campaign (P300,000); pagbili ng supplies at equipment (P100,000); at Christmas celebration ng San Remigio (P60,000).

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nasa P24,000 ang inilaang piyansa para kay Olivar.

-Czarina Nicole O. Ong