NAIIBA ang story ng Ang Babaeng Allergic Sa WiFi, na Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB). Sa August 15, magsisimula na itong mapanood bilang isa sa mga pelikulang ipalalabas sa 2018 Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) in cinemas nationwide.
Si Direk Perci Intalan ang nagkuwento kung paano nabuo ang story ng Ang Babaeng Allergic sa WiFi. Gusto raw naman mag-try ni Direk Jun Robles Lana na magdirek ng naiibang romantic-comedy, hindi ‘yung usual romantic-comedy na napapanood sa TV at movie.
At tamang-tama naman na may napipisil na pala si Direk Jun kung sino ang magiging lead star sa gagawin niyang pelikula, si Sue Ramirez.
“I wanted to work with Sue after I saw her in Debutantes, at ang galing niya,” say ni Direk Jun. “Talagang I pursued her kahit ang hirap ng schedules niya dahil may ginagawa rin siyang soap. This is a passion project for me, isang rom-com na may valid message pa rin about relationships. Ang kabataan kasi ngayon addicted na sa kanilang mga gadgets. Ano ang mangyayari when someone na masyadong dependent sa technology ay malalaman niyang allergic pala siya rito?”
Kuwento ni direk, ang pelikula ay based daw sa report na nabasa niya tungkol sa isang British guy na mahilig mag-post online, hanggang nalaman niyang allergic pala siya sa anything na naglalabas ng radiation. Ganoon ang nangyari kay Sue, bilang Norma, sa movie.
Ayon naman kay Sue, sa story ay malalaman niyang allergic pala siya sa electromagnetic waves na galing sa gadgets, nagno-nose bleed at nagkakaroon siya ng rashes hanggang sa himatayin siya. Dahil doon, naapektuhan ang relasyon niya sa boyfriend niyang si Leo (Markus Paterson).
“My mom, si Yayo Aguila, takes me to my grandmother, Boots Anson Roa sa isang distant province na walang WiFi or any radiowave that can worsen my condition. At doon ko nalaman ang beauty of living a simple life without gadgets. Nag-back to basics ako kasi if my friends and other loved ones want to see me, they have to travel, sasadyain ako to come and visit me. I also start communicating by doing handwritten letters that you mail sa post office. Makaka-exchange ko ng love letters ang younger brother ni Leo, si Aries (Jameson Blake).”
Ayon pa kay Sue, after doing the movie ay na-realize niyang kaya pala niyang mabuhay nang walang WiFi. Maganda rin daw iyong wala siyang gadget na hawak, at mas magandang makipag-communicate nang personal sa iyong mga loved ones. Noong araw nga raw, kinaya naman ng mga parents natin na walang cell phones and tablets.
Natanong namin si Direk Perci kung saan sila nag-location ng movie dahil ang ganda-ganda ng lugar na nakuha nila, na mukhang wala talagang telecommunication lines. Sa isang barangay daw iyon sa Nasugbu, Batangas, ayon sa kanya
-NORA V. CALDERON