Nahaharap sa kasong graft si Bohol, Anda Mayor Angelina "Inday" Simacio dahil sa umano’y maanomalyang pagpapatayo ng isang multi-purpose building, na ginastusan ng mahighit P2 milyon, noong 2013.

Si Simacio ay kinasuhan ni Assistant Special Prosecutor III Jorge Espinal ng paglabag sa RA 3019 (Anti- Graft and Corrupt Practices Act) sa 2nd Division ng Sandiganbayan.

Ito ay may kaugnayan sa konstruksiyon ng Anda multi-purpose building/center, na pinondohan ng P2,498,923.50.

Ang kontrata sa pagpapatayo ng gusali ay ibinigay ni Simacio A.S.O. Construction company, matapos silang pumirma sa isang kasunduan para sa proyekto noong Abril 12, 2013.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Gayunman, nasilip ng Commission on Audit (CoA) ang contract price nito na mas mataas ng 57.58 porsiyento kumpara sa cost evaluation na P1,744,406.14, o nag-overprice ng P754,517.36 dahil sa mataas na labor costs nito.

"At the same time, the normal and usual price in the construction industry was pegged higher in the contract and there was also an overestimated quantity of reinforcing steel bars, among many other things," ayon pa sa reklamo.

P30,000 naman ang itinakdang piyansa ng anti-graft court para kay Simacio.

-CZARINA NICOLE O. ONG