Standings W L

LPU 6 0

SBU 4 0

CSJL 3 1

Karl Eldrew Yulo, pamilya raw pinakamagandang regalong natanggap

UPHSD 2 2

AU 2 2

MU 2 3

CSB 2 3

SSC-R 2 4

EAC 1 4

JRU 0 5

Mga Laro Ngayon

(FilOil Flying V Centre)

8:00 n.u. -- MU vs SSCR (jrs)

10:00 n.u. -- CSB vs LPU (jrs)

12 n.t. -- MU vs SSCR (srs)

2 p.m.- CSB vs LPU (srs)

4 p.m.- Letran vs AU (srs)

6 p.m.- Letran vs AU (jrs)

MAPANATILING walang gurlis ang marka ang tatangkain ng Lyceum of the Philippines University sa pakikipagtuos ngayon sa College of St. Benilde sa NCAA Season 94 basketball tournament sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

Matikas na nalagpasan ng Pirates ang hamon ng unang anim na koponan, kabilang ang host University of Perpetual Help Altas nitong Biyernes para makalapit sa minimithing maduplika ang 9-game sweep sa first round elilimination sa nakalipas na season.

Haharapin ng Pirates ang naglalagablab na Blazers – galing sa dalawang sunod na panalo – ganap na 2:00 ng hapon.

Magtutuos naman sa isa pang seniors game ganap na 12:00 ng tanghali ang Mapua University at San Sebastian College.

Sinasabing susi sa pamamayagpag ng LPU ang consistent na laro sa magkabilang dulo ng court, sa pangunguna ni last season MVP CJ Perez.

Sa unang anim na laro, naitala ng Pirates ang averaged na league-high 91 puntos kada laro, habang nalimitahan ang karibal sa mababang 76 puntos.

“We’d like to press the energy out of every team we face because we really want to focus on our defense more than outscoring our opponents,” ayon kay LPU coach Topex Robinson.

Naitala naman ni Perez ang averaged na 20.5 puntos, 6.7 rebounds, 4.7 assists, 3.5 steals at isang block sa unang anim nilang laro habang may limitadong 2.3 turnovers.

Tatangkain naman ng Letran (3-1) na maipagpatuloy ang three- game winning run sa pagsagupa sa Arellano University (2-2) ganap na 4:00 ng hapon.

Nagsisilbing bentahe ng Knights ang malakas nilang frontline na binubuo nina Larry Muyang, Christian Fajarito at Jeo Ambohot.

“We will try to take advantage of our size each game because we know we are blessed in that department,” pahayag ni Letran mentor Jeff Napa.

-Marivic Awitan