BILANG pagpapaigting sa kampanya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) office ng Bicol region laban sa human trafficking, nagdaos ang ahensiya ng “Albay Youth Summit on Human Trafficking, ”kamakailan.

Nitong nakaraang Martes, isinagawa ang aktibidad bilang bahagi ng pagdiriwang ng World Against Trafficking in Person (TIP) na dinaluhan ng nasa 200 mag-aaral mula sa mga kolehiyo at unibersidad ng Albay.

Sa temang “Better Lives through Safer Migration, Stop Human Trafficking!,” ibinahagi ng mga tagapagsalita sa mga kabataan ang mga bagay na may kinalaman sa seguridad, karapatan at pambansang batas na may kaugnayan sa human trafficking.

Isinagawa ang Youth summit sa pakikipagtulungan sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) at sa mga miyembro nitong ahensiya.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Sa isang press briefing nitong Martes, sinabi ni DSWD Regional Director Arnel Garcia na itinuturing ng Bicol ang human trafficking bilang isang malubhang krimen at lubos na paglabag sa karapatang pantao.

Nakapagtala ang rehiyon ng nasa 23 kaso ng human trafficking mula Enero hanggang Hulyo ngayong taon, habang 51 kaso ang naitala noong 2017.

“Aiming to curtail the numbers of this crime, this activity was prioritized and proposed for the sake of the youth who are believed to be the hope of the fatherland and future duty bearers in securing an abuse-free community,” ani Garcia.

Base sa datos na ipinakita, nakapagtala ang Camarines Norte ng siyam na kaso; dalawa sa Albay; lima sa Catanduanes; apat sa Camarines Norte; isa sa Masbate at Sorsogon; at isang kaso mula sa ibang rehiyon.

Sa 23 kaso, 17 umano rito ang may kinalaman sa illegal recruitment, apat sa child trafficking, isang mail-to-order bride, at isang forced labor.

Pinakabagong kaso ang naitala nitong Hulyo 25, kung saan nasagip ng Field Office 1 sa Pangasinan ang pitong biktima ng illegal recruitment mula bayan ng Oas sa Albay.

“They were recruited to work in a fishpond with the promise of PHP5,000 per month with free food and accommodation. However, when they arrived at the place, they stayed in a congested room and were only allowed to eat when they were done working,”pagbabahagi ni Garcia.

“The fight to end human trafficking is an action that must be taken by everybody,” ani Garcia at idinagdag na, “we need the policy makers, inter-agencies, the people, law enforcement that should be mobilized to address the concerns.”

PNA