MAAGA ang screening ng Kung Paano Hinihintay ang Dapithapon, at dinumog ito kahit malakas ang ulan.

Dante copy

Kahapon ang simula ng 2018 Cinemalaya Film Festival na ginanap sa Cultural Center of the Philippines, at unang isinalang ang Kung Paano Hinihintay ang Dapithapon sa ganap na 10:00 am at laking gulat ng ilang staff ng pelikula na naroon dahil almost sold out ang tickets considering na masyadong maaga ang screening at umuulan pa.

“Nakakataba ng puso, nakakaiyak kasi hindi naman expected na maraming taong manonood sa ganito kaaga, “sabi ng taga-production.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Kuwento naman ng napagtanungan naming nakapanood: “Palakpakan ang lahat pagkatapos. Sobrang nakakaiyak. Ang ganda ng pelikula, bato ka na lang kung hindi tutulo ang luha mo.

“Ang ganda ng shots ni direk Carlo. Relatable ang kuwento ng Dapithapon dahil lahat naman tayo ay doon papunta. Ang gagaling ng mga artista, sina Tita Perla (Bautista), Tito Dante (Rivero) at Tito Menggie (Cobarrubias). Puwedeng manalong best actor at best actress silang tatlo.”

Bale ba, ang Kung Paano Hinihintay ang Dapithapon ang unang entry na ipinalabas kahapon, at sa Agosto 8, 9:00 pm naman gaganapin ang gala night.

Sa nakaraang pocket presscon ng Kung Paano Hinihintay ang Dapithapon ay hindi raw nag-e-expect ng award ang tatlong bidang artista, dahil ang concerned nila ay magustuhan ng manonood ang pelikula. Sana ay mapanood ito sa commercial run, at higit sa lahat puwede itong mapanood ng mga bata.

-Reggee Bonoan