BUKOD sa walong pelikulang kasama sa 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino simula Agosto 15, kasama rin ang anim na award-winning independent films para sa kategoryang Special Feature Section. Isinagawa ang launching para sa anim na indie film nitong Miyerkules sa Max’s Restaurant na dinaluhan ng mga direktor at artista ng bawat pelikula.
Kabilang sa mga dumalo sina Direk Khavn ng Balanginga: The Howling of Wilderness (QCinema 2017), na pinagbibidahan nina Justine Samson, Pio Del Rio at Warren Tuano; Direk Dwein Baltazar ng Gusto Kita with All My Hypothalamus (CineFilipino Film Festival 2018), na binubuo nina Lana Bernardez, Nicco Manalo, Dylan Ray Talon, Soliman Cruz at Anthony Falcon;
Direk Tara Illenberger ng High Tide (ToFarm Film Festival 2017), na pinagbibidahan nina Arthur Solinap, Sunshine Teodoro, Dalin Sarmeinto, Forrest Kyle Buscato, Christine Mary Demaisip, at Riena Christal Shin; Direk Thop Nazareno ng Kiko Boksingero (Cinemalaya 2017), kung saan tampok sina Noel Comia Jr., Yayo Aguila, Angel Aquino, Denise Soliva, William Buenavente at JM Canlas; Direk Giancarlo Abrahan ng Paki (Cinema One Originals 2017), starring Dexter Doria, Eula Valdez, Ricky Davao, Sharmaine Buencamino, Paolo Paraiso, Ina Feleo at Noel Trinidad; Direk Arnel Barbarona ng Tu Pug Imatuy (Sinag Maynila 2017) kung saan ang pangunahing bida ay sina Malona Sulatan, Jong Monzon, Luis Georlin Banaag III, Jamee Rivera, Jilian Khayle Barbarona at Henyo Ehem.
Ang mga nabanggit na pelikula ay kasali rin sa mga PPP events tulad ng Pista at the Park Grand Fans Day at All Star Caravan sa Agosto 11 na gaganapin sa Quezon Memorial Circle simula 10:00 ng umaga, at libre naman ang opening night sa SM North Edsa sa Agosto 13.
Mapapanood din ang mga sumusunod na Special Feature Section sa mga eskuwelahan simula sa susunod na linggo: UPFI Film Studio – Agosto 6, 4PM, Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa – Agosto 7, 2PM, Unibersidad de Manila – Agosto 8, 1PM, Asia, Pacific Film Institute – Agosto 9, 3PM, Adamson University – Agosto 10, 10AM, Pamantasang Lungsod ng Marikina – Agosto 13, 3PM, Mapua University – Agosto 4, 10AM.
Ang PPP ay presented in partnership with National Cinemas Association of the Philippines (NCAP), Unicef, Globe Play it Right, Solar Entertainment Corporation, Outpost Visual Frontier, Nestle, ThinkBit at Sequoa Hotel.
Suportado rin ang naturang event ng Society of the Philippine Entertainment Editors (SPEED), CNN Philippines, PEP.ph, MOR 101.9 for Life, The Manila Bulletin, Malaya, Philippine Star, Wish 107.5, Push.com, at Uniquely Pinoy.
Katuwang din dtio ang ilang government agencies tulad ng Philippine Information Agency (PIA), Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Department of Interior and Local Government (DILG), National Commission on Culture and Arts (NCAA), Department of Transportation (DoTr), Office of the Vice Mayor of Quezon City (OVM) at Quezon City Film Development Commission (QCFDC).
Umaasa si Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Dino na susuportahan ng publiko ang mga nabanggit na pelikula tungo sa patuloy na pagpapalawig ng mga pelikulang gawang Pinoy.
-REGGEE BONOAN