SA katunayan, ang teleseryeng Kambal-Karibal ay dalawang buwan lamang dapat eere sa telebisyon dahil may show talagang ilalagay sa kanilang time slot. Pero nagtagal ang papalit ditto at nagustuhan naman ng televiewers ang konsepto ng istorya ng serye, directed by Direk Don Michael Perez.

Bianca, Miguel, Kyline

At ngayon, after nine months ng airing ay matatapos na ang Kambal Karibal sa Biyernes. Tampok sa nasabing serye sina Miguel Tanfelix, Bianca Umali, Pauline Mendoza, Kyline Alcantara.

“Sobrang saya ko po na nakatrabaho ko sina Ms. Carmina (Villarroel), Cong. Alfred (Vargas) at Kuya Marvin (Agustin) kasi lumaki ako na pinapanood ko sila. Unforgettable din na nakasama ko si Sir Christopher de Leon. Mami-miss ko lahat dahil we work as a family since we’ve together for nine months,” pahayag ni Miguel na gumanap bilang si Diego, nang makapanayam.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Ayon naman kay Bianca na gumanap bilang si Crisan, “ang dami ko pong natutunan sa show. Iba-ibang learnings that are all meaningful. Mami-miss ko ang bonding namin.”

“Fun-filled and very memorable experience doing Kambal Karibal. Marami po akong firsts na natutunan sa show, I gained a new family sa mga co-actors and the production staff. Mami-miss ko iyong everyday na pagta-tawanan namin. The show also made me a stronger and better person. And learned a lot most especially from the seasoned actors I worked with in the show,” sabi ni Pauline na si Crisel sa story.

Si Kyline Alcantara naman si Cheska at Crisel sa story. “The role is a dream come true. This is my first show in GMA and overwhelmed when they entrusted me to do the role of Cheska. I got the chance to play both good and bad characters,” anang dalagang aktres.

Ang aabangan sa Biyernes ay kung makukuha pang muli ni Raymond (Marvin) si Geraldine (Carmina) kay Allan (Alfred). At sino ang talagang magwawagi sa pag-ibig ni Diego, si Crisan na mahal niya talaga o si Crisel na isa nang multo na nakakulong sa katawan ni Cheska?

-Nora V. Calderon