Libu-libong motorcycle rider ang lumahok sa paglulunsad ng Philippine National Police (PNP) sa kampanya laban sa mga riding-in-tandem o mga kriminal na gumagamit ng motorsiklo sa ilegal na aktibidad.Sinimulan ng PNP ang kampanyang Clean Rider sa Quirino Grandstand sa Rizal Park, Ermita at Maynila, bandang 8:00 ng umaga.

Dinaluhan ito ng matataas na opisyal at mga tauhan ng PNP at ng 2,000 riders.

Inaasahan naman ni PNP chief Director General Oscar Albayalde na makatutulong ang Clean Rider sa pagsugpo sa krimen sa buong bansa.

“This campaign mainly underscores the total elimination of crimes committed by these motorcycle-riding suspects, eradicate road unworthy motorcycles, impound stolen motorcycles, and ensure the safety and security of (law-abiding) motorcycle riders,” ani Albayalde.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

Matatandaang lumaganap ang krimen, partikular na ang mga pagpatay at panghoholdap, na kinasasangkutan ng mga nakamotorsiklong kriminal na mahirap hulihin dahil mabilis na nakakatakas ang mga ito.

Aminado ang PNP na nahihirapan sila sa pagtukoy sa pagkakakilanlan ng mga kriminal dahil bukod sa naka-full helmet ay naka-face mask pa ang mga suspek.

Sa datos ng National Capital Region Police Office (NCRPO), ang Metro Manila ang isa sa mga may pinakamataas na bilang ng mga naitalang krimeng sangkot ang mga nakamotorsiklong suspek, sumunod ang Region III (Central Luzon) at Region IV-A (Cavite-Laguna-Batangas-Rizal-Quezon).

“Through the Clean Rider campaign, motorcycle-riders are encouraged to submit and present pertinent documents such as the official receipt (OR) and certificate of registration (CR) of the motorcycle, license and valid identification card (IDs) to the nearest police stations in their community,” diin ni Albayalde.

-Mary Ann Santiago