Nagulat ang police chief ng Pennsylvania ng makatanggap ang kanilang istasyon ang isang misteryosong sulat na naglalaman ng bayad para sa isang parking ticket na ipinataw 44 na taon na ang nakararaan.

PARKING TICKET

Ayon kay Minersville Police Department Chief Michael Combs, dumating ang sulat mula California na naka-adress na “Feeling Guilty.”

Laman ng sobre ang Minersville parking ticket na ibinigay noon pang 1974, limang dolyar at maikling sulat.

National

Anak ng pinatay na policewoman nadawit lang; mga suspek, inaanak sa kasal ng biktima!

Nakasaad sa sulat na “Dear PD, I’ve been carrying this ticket around for 40 plus years. Always intending to pay. Forgive me if I don’t give you my info. With respect, Dave.”

“He paid us $5,” pahayag ni Combs. “So, that’s 44 years later. So, that only means I made $3. I can’t retire on that.”

Nais naman ng hepe na hanapin si “Dave” para pasalamatan sa katapatan nito.

“We do appreciate that this individual paid their ticket, and again, we encourage other individuals, if you have an outstanding ticket, please pay them,” ani Combs.