Isang lalaki sa Alberta, Canada na nais bumili ng bagong sasakyan ang nagulat ng makita ang halaga ng insurance na dapat niyang bayaran. Ang nais niyang sasakyang bilhin ay may $4,000 annual premium dahil siya ay lalaki at nasa hustong gulang. Ngunit dahil mas maliit ang binabayarang car insurance ng mga kababaihan sa kadahilanang na mas iwas sa aksidente ang mga ito, nagdesisyon ang Canadian na maging babae.

Isa ang probinsiya ng Alberta sa Canada kung saan madaling mapalitan ang kasariang nakalagay sa kanilang mga birth certificate. Kailangan lamang nilang ipakita ang sulat ng doktor o psychologist na nagsasabing iba ang kanilang kasarian.

“It was pretty simple. I just basically asked for it and told (the doctor) that I identify as a woman, or I’d like to identify as a woman, and he wrote me the letter I wanted,” pahayag ng lalaki sa panayam. “It was a lie, of course, but once you’ve gotten your birth certificate amended, it’s a snap to get your driver’s license changed, and then bring on those sweet savings in that sweet, sweet Chevy Cruze. Worth it, right?”

Bilang babae, $3,400 na lamang ang kailangan niyang bayaran para sa kanyang annual car insurance.

National

Anak ng pinatay na policewoman nadawit lang; mga suspek, inaanak sa kasal ng biktima!

“I am now a woman,”pagmamalaki niya. “I now pay USD1,100 less for auto insurance. I won. The end.”