BUKOD sa pagbibigay ng diskwento sa gasoline ng mga PUJ/PUBs, suportado rin ng Caltex, marketed ng Chevron Philippines Inc. (CPI), ang isinususlong ng Department of Transportation (DOTr) at Department of Energy’s (DOE) Pantawid Pasada Program (PPP) na inilunsad nitong Hulyo 17, 2018.

NAGKAKAISA ang mga guro at estudyante mula sa Tiwi Agro-Industrial School sa pamimigay ng flyers para maenganyo ang mga motorist na magpagasolina sa Caltex kung saan makukuha nikla para sa kanilang programa ang P1piso sa kada litro ng gasoline

NAGKAKAISA ang mga guro at estudyante mula sa Tiwi Agro-Industrial School sa pamimigay ng flyers para maenganyo ang mga motorist na magpagasolina sa Caltex kung saan makukuha nikla para sa kanilang programa ang P1piso sa kada litro ng gasoline

Handa ang mga gas stations ng Caltex sa Metro Manila na tanggapin ang Pantawid Pasada Cards ng mga tsuper at iba pang pampublikong transportasyon.

Kailangan lamang ng mga tsuper na maipakita ang kanilang PPP cards sa mga nakadestinong Caltex customer service representatives para sa validation bago ang pagpapagasolina. Tiyakin lamang na tugma ang plate number ng saakayn sa PPPA cards.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Maaari pa ring gamitin para sa diskwento ang loyalty cards tulad ng HappyPlus at Robinsons Rewards Cards at iba pang discount at rebate cards na magagamit hiwalay sa PPP cards.

“In addition to our continuing programs such as fuel discounts, loyalty rewards and social investment drives that help cushion our customers from fluctuating world oil prices, we and all our Caltex retailers are committed to support all government mandated programs to help achieve the same goal,“ pahayag ni ouie Zhang, CPI Country Chairman