Dalawang kaanib ng Communist New People's Army Terrorist Group (CNTG), na nag-o-operate sa Cordillera region, ang sumuko sa pamahalaan kamakailan, ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ang dalawang rebelde ay boluntaryong sumurender sa puwersa
ng Northern Luzon Command (NoLCom) sa Ifugao, Mountain Province, nitong Huwebes.
Ayon sa militar, hindi nila tinukoy ang pagkakakilanlan ng dalawa para na rin sa kanilang kaligtasan.
Anila, ang mga ito ay miyembro ng Kilusang Larangang Gerilya (KLG) "AMPIS" ng Ilocos-Cordillera Regional Committee (ICRC).
Dagdag pa ng militar, isa sa mga ito ay nagsilbing squad leader ng nasabing underground movement habang ang isa ay miyembro ng kilusan.
Nagdesisyon umanong sumuko ang dalawa kasunod ng walang tigil na pakikipag-usap sa kanila ng 77th Infantry Battalion (77IB), 54th Infantry Battalion (54IB) ng Joint Task Force (JTF) "TALA", Ifugao Provincial Police Offices (PPO) at ng Mountain Province Police Provincial Office.
Kaugnay nito, nanawagan ang miitar sa mga rebelde sa rehiyon na magbalik-loob na sa pamahalaan, upang makapagbagong buhay at makapiling na rin ang kanilang pamilya
-FRANCIS T. WAKEFIELD