ROME (AFP) – Inihalintulad ng isang Italian Catholic magazine nitong Miyekules kay Satan si Italy Interior Minister Matteo Salvini, na sumumpang pipigilan ang pagdating ng mga migrante sa bansa at nangakong pabibilisin ang deportasyon ng illegal immigrants.

‘’Vade Retro Salvini,’’ (Go back, Salvini) mababasa sa headline ng Famiglia Cristiana magazine, na isang laro sa Medieval Catholic phrase na ginagamit para itaboy ang demonyo, ‘’Vade Retro Satana’’ (Go back Satan).

Nagalit ni Salvini at bumuwelta sa pamamagitan ng social media.

‘’Famiglia Cristiana even likens me to Satan,” isinulat niya. ‘’I do not pretend to lecture anyone, I am not a perfect Christian, but I do not think I deserve that.’’
Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline