VISIBLE muli ang batikang direktor na si Chito S. Roño dahil kasali sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2018 ang ginawa niyang pelikula tungkol sa buhay-OFW, ang Signal Rock.

Christian Bables

Christian Bables

Sa panayam kay Direk Chito, nagkuwento siya tungkol sa kanyang entry movie.

“Ang totoong kwento ng Signal Rock ay tungkol sa mga ordinaryong tao sa probinsiya na remote, mga taong lahat ng mga kasama nila nagsipag-abroad, ito ang place na iniiwan para makapagbigay ng suporta sa pamilya,” sabi ni Direk Chito. “Marami na tayong kuwento tungkol sa mga OFW, pero ito ang kwento ng mga taong napagiwanan sa probinsya, na kung tawagin ay bagtik.”

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Ang Signal Rock ay kuwento ng isang tipikal na pamilyang Pilipino na nakatira sa napakagandang isla ng Biri sa Samar.Umiikot ang istorya ng Signal Rock kay Intoy (played by Christian Bables), who lives in an impoverished fishing island, taking care of his parents, while waiting for his sister Vicky, an overseas Filipino worker, to send them money.

Para makausap ang kapatid, araw-araw na inaakyat ni Into yang mga rock formation sa isla para makakuha ng magandang signal sa pakikipag-usap sa kapatid. Base sa totoong buhay ang kuwento ni Intoy, na nangyari noong dekada ‘90.

Mismong si Direk Chito raw ang pumili kay Christian for the lead role in his second film shot in Samar.

“Hindi ko ibinigay sa kanila ang script ng pelikula, pinapabasa ko lang ang mga linya nila kapag malapit na kaming mag-take ng eksena,” sabi ni Direk Chito .

The cast and crew stayed in Samar for 15 days.

“To be more realistic, tumira talaga kami sa Samar. Hanggang ngayon remote pa talaga ito. Nakikitira kami sa mga tao roon, walang special treatment. Nasanay na sila (cast members) na naglalakad papunta sa shooting location. Nakikihalubilo sa mga tao roon, naging familiar na kami doon. Dito namin lalong nakilala ang mga totoong tao, totoong buhay, parang naging bahay na namin doon at wala talagang signal!” kuwento ng direktor.

Isa ang Signal Rock sa mga mapapanood sa Pista ng Pelikulang Pilipino Film Festival 2018 which runs from August 15-21 in cinemas nationwide.

Tampok din sa pelikula sina Mara Lopez, Francis Magundayao, Daria Ramirez, Arnold Reyes, Sue Prado, Keana Reeves, Mon Confiado, Ces Quesada, at Lee O’Brian. Signal Rock is by CSR Production and distributed by Regal Entertainment, Inc.

-Ador V. Saluta