Ni ROMMEL P. TABBAD

Sa maituturing na kakaiba at pinakamaikling State-of-the-Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Lunes, ipinagmalaki niya ang mga napagtagumpayan ng kanyang administrasyon sa nakalipas na dalawang taon.

Tiniyak ng Punong Ehekutibo ang pagpapatuloy ng laban ng pamahalaan kontra ilegal na droga, gayundin laban sa kurapsiyon.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Iginiit din ni Duterte na makakamit na ang pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao, kasabay ng pagpapahayag ng kahandaang lagdaan ang panukalang Bangsamoro Organic Law sa loob ng 48 oras matapos itong ilapag sa kanyang mesa.

Binanggit din ni Duterte ang pagpasok sa bansa ng ikatlong telecommunications company (telco), ang pagpapatuloy ng rehabilitasyon sa Boracay Island, at ang pangangalaga sa kalikasan laban sa pagmimina.

Ibinida rin ng Presidente ang mabilis na pamamahagi ng murang bigas mula sa National Food Authority, na nais niyang bawasan ng P7 kada kilo.

Tiniyak din ni Duterte na hindi isusuko ng bansa ang West Philippine Sea sa China, gayundin ang pagkakaloob ng abot-kayang health services.

Nilinaw din ng Pangulo ang pagpirma niya sa batas na magwawakas sa “endo” o contractualization, na napakinabangan na, aniya, ng mahigit 3,000 na-regular na sa kanilang trabaho.

Marami naman ang nanibago sa maiksing SONA ni Duterte, na tumagal lang ng 49 na minuto, bukod pa sa halos walang ad lib ang Presidente.